“Buhay ay Hindi Karera”: Piling Kanta ng BINI bilang Kontra-diskurso sa Hiya
Document Types
Paper Presentation
School Name
De La Salle University, Manila
Track or Strand
Humanities and Social Science (HUMSS)
Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)
Taeza, Jeyson T.
Start Date
23-6-2025 1:30 PM
End Date
23-6-2025 3:00 PM
Zoom Link/ Room Assignment
Y505
Abstract/Executive Summary
Makapangyarihan ang musika sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Isa ang BINI sa mga tanyag na grupo sa Pilipinas dahil sa kanilang mga awitin at kahulugang nilalaman ng mga ito. Layunin ng pag-aaral na mapalitaw ang mga nakapaloob na kontradiskurso sa hiya, isang pagpapahalaga sa Sikolohiyang Pilipino, sa mga piling awitin ng grupong BINI na No Fear, Karera, at Love Yourself. Sinuri ang mga literal at kontekstuwal na kahulugan ng liriko gamit ang Content Analysis ni Bengtsson (2016) upang makita ang mga diskurso ng negatibong hiya at mungkahing paraan ng pagtaliwas ng mga piling awitin. Bilang resulta, napag-alamang tumatalakay ang No Fear sa hiya sa pagdedesisyon, ang Karera sa hiya sa kalagayan sa buhay, at ang Love Yourself sa hiya sa katawan at pagkakakilanlan. Hinikayat sa mga awitin ang hindi pag-aalala sa opinyon ng iba, pag-usad sa buhay sa sariling bilis, at pagtanggap at pagmamahal sa sarili. Naging kontradiskurso ang tatlong awitin sa pamamagitan ng pagsalungat ng mensahe ng mga ito sa konsepto ng negatibong hiya. Nagsisilbi ang mga awiting No Fear, Karera, at Love Yourself ng grupong BINI bilang paalala sa mga tagapakinig na mahalagang hindi magpaapekto sa iisipin ng kapwa tungkol sa kanilang desisyon, antas sa buhay, at pisikal na anyo. Nirerekomenda na suriin ang mga nilalamang pagpapahalaga sa Sikolohiyang Pilipino ng ibang mga Orihinal na Pilipinong Musika (OPM). Mainam ding tingnan ang mga awitin ng grupong BINI sa ibang anggulo upang makita ang mga isyung panlipunang sangkot sa mga ito.
Keywords
bini; orihinal na pilipinong musika (opm); Sikolohiyang Pilipino; hiya; kontra-diskurso
Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)
Media and Philippine Studies (MPS)
Initial Consent for Publication
yes
Statement of Originality
yes
“Buhay ay Hindi Karera”: Piling Kanta ng BINI bilang Kontra-diskurso sa Hiya
Makapangyarihan ang musika sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Isa ang BINI sa mga tanyag na grupo sa Pilipinas dahil sa kanilang mga awitin at kahulugang nilalaman ng mga ito. Layunin ng pag-aaral na mapalitaw ang mga nakapaloob na kontradiskurso sa hiya, isang pagpapahalaga sa Sikolohiyang Pilipino, sa mga piling awitin ng grupong BINI na No Fear, Karera, at Love Yourself. Sinuri ang mga literal at kontekstuwal na kahulugan ng liriko gamit ang Content Analysis ni Bengtsson (2016) upang makita ang mga diskurso ng negatibong hiya at mungkahing paraan ng pagtaliwas ng mga piling awitin. Bilang resulta, napag-alamang tumatalakay ang No Fear sa hiya sa pagdedesisyon, ang Karera sa hiya sa kalagayan sa buhay, at ang Love Yourself sa hiya sa katawan at pagkakakilanlan. Hinikayat sa mga awitin ang hindi pag-aalala sa opinyon ng iba, pag-usad sa buhay sa sariling bilis, at pagtanggap at pagmamahal sa sarili. Naging kontradiskurso ang tatlong awitin sa pamamagitan ng pagsalungat ng mensahe ng mga ito sa konsepto ng negatibong hiya. Nagsisilbi ang mga awiting No Fear, Karera, at Love Yourself ng grupong BINI bilang paalala sa mga tagapakinig na mahalagang hindi magpaapekto sa iisipin ng kapwa tungkol sa kanilang desisyon, antas sa buhay, at pisikal na anyo. Nirerekomenda na suriin ang mga nilalamang pagpapahalaga sa Sikolohiyang Pilipino ng ibang mga Orihinal na Pilipinong Musika (OPM). Mainam ding tingnan ang mga awitin ng grupong BINI sa ibang anggulo upang makita ang mga isyung panlipunang sangkot sa mga ito.
https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2025/paper_mps/7