“Daming kung ano-ano:” Isang Pagsusuring Pangnilalaman sa Diskurso ng Anik-anik sa X
Document Types
Paper Presentation
School Name
De La Salle University, Manila
Track or Strand
Humanities and Social Science (HUMSS)
Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)
Taeza, Jeyson T.
Start Date
23-6-2025 1:30 PM
End Date
23-6-2025 3:00 PM
Zoom Link/ Room Assignment
Y505
Abstract/Executive Summary
Kadalasang matatagpuan ang mga anik-anik sa isang sambahayang Pilipino. Subalit unti-unting nagbabago at tumataliwas sa tradisyunal na anyo ang modernong respresentasyon ng anik-anik. Layunin ng pananaliksik na suriin ang diskursong pumapalibot sa anik-anik sa platpormang X na nagpapakita sa paghubog ng social media sa makabagong kahulugan ng anik-anik sa kultura’t pagkakakilanlang Pilipino. Sinuri ang nagbabanggaang diskurso sa pagtangkilik ng anik-anik, partikular ang pagkakahati sa sentimental na pagpapahalaga sa mga bagay at ang impluwensya ng kapitalismo sa pangongolekta nito. Ginamit ang kwalitatibong pagsusuring nilalaman ni Bengtsson (2016) upang mapaglalim ang komprehensibong pag-aanalisa ng orihinal na teksto ng datos sa tagong pagsusuri. Kumalap ang mga mag-aaral ng datos sa pamamagitan ng search feature sa X na naglalaman ng mga susing salita tulad ng “anik-anik,” “anik-anik girlie,” “anik-anik discourse,” “burloloy,” “labubu,” “popmart,” at “collect.” Nakakalap ng limangpu’t walong tweets ang mga mag-aaral sa platapormang X noong Ika-12 ng Pebrero 2025. Tanging mga pampublikong tweets o posts lamang ang kinonsidera sa pagsusuri. Natuklasang nag-uugat sa nostalgia, personal na halaga, kasiyahan ng pangongolekta at paglalahad ng pansariling identidad ang rason sa pangongolekta. Lumabas din na tumataliwas ang kasalukuyang representasyon ng anik-anik sa orihinal na konsepto nito: pagkawala ng orihinal na kahalagahan dahil sa komersyalisasyon, impluwensiya ng midya sa pagkonsumo, at pagkawala ng puso ng anik-anik. Napatunayang mayroong patuloy na pagbabago sa kahulugan ng anik-anik sa mas malawak na kalakaran ng lipunan kung saan mas tumitindi ang impluwensiya ng konsumerismo sa ugali ng pagbili ng mga mamimili.
Keywords
X, anik-anik, diskurso, social media, konsumerismo
Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)
Media and Philippine Studies (MPS)
Initial Consent for Publication
yes
Statement of Originality
yes
“Daming kung ano-ano:” Isang Pagsusuring Pangnilalaman sa Diskurso ng Anik-anik sa X
Kadalasang matatagpuan ang mga anik-anik sa isang sambahayang Pilipino. Subalit unti-unting nagbabago at tumataliwas sa tradisyunal na anyo ang modernong respresentasyon ng anik-anik. Layunin ng pananaliksik na suriin ang diskursong pumapalibot sa anik-anik sa platpormang X na nagpapakita sa paghubog ng social media sa makabagong kahulugan ng anik-anik sa kultura’t pagkakakilanlang Pilipino. Sinuri ang nagbabanggaang diskurso sa pagtangkilik ng anik-anik, partikular ang pagkakahati sa sentimental na pagpapahalaga sa mga bagay at ang impluwensya ng kapitalismo sa pangongolekta nito. Ginamit ang kwalitatibong pagsusuring nilalaman ni Bengtsson (2016) upang mapaglalim ang komprehensibong pag-aanalisa ng orihinal na teksto ng datos sa tagong pagsusuri. Kumalap ang mga mag-aaral ng datos sa pamamagitan ng search feature sa X na naglalaman ng mga susing salita tulad ng “anik-anik,” “anik-anik girlie,” “anik-anik discourse,” “burloloy,” “labubu,” “popmart,” at “collect.” Nakakalap ng limangpu’t walong tweets ang mga mag-aaral sa platapormang X noong Ika-12 ng Pebrero 2025. Tanging mga pampublikong tweets o posts lamang ang kinonsidera sa pagsusuri. Natuklasang nag-uugat sa nostalgia, personal na halaga, kasiyahan ng pangongolekta at paglalahad ng pansariling identidad ang rason sa pangongolekta. Lumabas din na tumataliwas ang kasalukuyang representasyon ng anik-anik sa orihinal na konsepto nito: pagkawala ng orihinal na kahalagahan dahil sa komersyalisasyon, impluwensiya ng midya sa pagkonsumo, at pagkawala ng puso ng anik-anik. Napatunayang mayroong patuloy na pagbabago sa kahulugan ng anik-anik sa mas malawak na kalakaran ng lipunan kung saan mas tumitindi ang impluwensiya ng konsumerismo sa ugali ng pagbili ng mga mamimili.
https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2025/paper_mps/6