Makasalanan, Mala-lalaki, o Career Woman: Pagmamapa sa “Dating” ng mga Lesbiyanang Tauhan sa Pelikulang Pilipino (1982-2023)

Document Types

Paper Presentation

School Name

De La Salle University, Manila

Track or Strand

Humanities and Social Science (HUMSS)

Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)

Mapugay, Ma. Jayanne C.

Start Date

25-6-2025 1:00 PM

End Date

25-6-2025 2:30 PM

Zoom Link/ Room Assignment

https://zoom.us/j/97863912335?pwd=BKJm0WyfODOIZXivBFrrpyFh41m6ef.1 Meeting ID: 978 6391 2335 Passcode: 207029

Abstract/Executive Summary

Layon ng pananaliksik na makapag-ambag sa napakalimitadong diskurso sa lesbiyana sa Pelikulang Pilipino na pawang nakatuon sa pagkalesbiyan at identidad. Tinumbok ng pag-aaral ang dating ng anim na lesbiyanang tauhan gamit ang modelo ni Tiongson (2022), na sumandig sa Dating ni Lumbera (2000), upang sumentro sa pagka-Pilipino ng likhang-sining. Natuklasan ang mga temang nakaaapekto sa dating ng mga lesbiyanang tauhan: (1) Pagpapahalaga sa Propesyon, (2) Pagtutulad sa Lalaki at mga Istiryotipo, (3) Pagkakaila sa Sekswalidad, (4) Pagbubunsod ng Pandalawang-Kasariang Pamantayan ng Lipunan, at (5) Pagturing na Makasalanan. Binubuo ito ng mga elemento ng pananamit, kilos, lengguwahe, at espasyo. Batay sa espasyo, maaring pribado ang kilos o hayag ang di-tradisyunal nilang pagkatao kung ligtas ito gaya ng bar at silid-tulugan. Pananda naman ng lokal na estetika ang paggamit ng mga terminong lokal na “t-bird” at “tibo” at ang kanluraning “lesbian.” Nabatid na ang kanilang dating ay bunga ng impluwensiya ng lipunan at kalimitang may tensyon sa dualidad: para sa sarili (panloob) at para sa lipunan (panlabas). Natuklasang umunlad ang lesbiyanang representasyon sa midya at ang kontekstong panlipunan ng kanilang dating. Palasak ang diskriminasyon, impluwensiyang panrelihiyon, at mga istiryotipo sa 1980s, may kaunti nang pagtanggap ngunit kalimitang ginagawang katatawanan at patuloy ang pagsunod sa pandalawang-kasariang pamantayan sa 2000s, mas bukas ang representasyon subalit may mga limitasyon pa rin sa 2010s, at higit na komportable ang representasyon at suporta maging may relihiyosong oposisyon sa 2020s. Ginuguhit ng pag-aaral ang daan tungo sa mas makabagong paglalarawan at pagpaparating ng mga lesbiyanang tauhan sa pelikula.

Keywords

Dating; lesbiyanang tauhan; Pelikulang Pilipino; pandalawang-kasariang pamantayan; representasyong LGBTQIA+

Research Theme (for Paper Presentation and Poster Presentation submissions only)

Gender, Human Development, and the Individual (GHI)

Statement of Originality

yes

This document is currently not available here.

Share

COinS
 
Jun 25th, 1:00 PM Jun 25th, 2:30 PM

Makasalanan, Mala-lalaki, o Career Woman: Pagmamapa sa “Dating” ng mga Lesbiyanang Tauhan sa Pelikulang Pilipino (1982-2023)

Layon ng pananaliksik na makapag-ambag sa napakalimitadong diskurso sa lesbiyana sa Pelikulang Pilipino na pawang nakatuon sa pagkalesbiyan at identidad. Tinumbok ng pag-aaral ang dating ng anim na lesbiyanang tauhan gamit ang modelo ni Tiongson (2022), na sumandig sa Dating ni Lumbera (2000), upang sumentro sa pagka-Pilipino ng likhang-sining. Natuklasan ang mga temang nakaaapekto sa dating ng mga lesbiyanang tauhan: (1) Pagpapahalaga sa Propesyon, (2) Pagtutulad sa Lalaki at mga Istiryotipo, (3) Pagkakaila sa Sekswalidad, (4) Pagbubunsod ng Pandalawang-Kasariang Pamantayan ng Lipunan, at (5) Pagturing na Makasalanan. Binubuo ito ng mga elemento ng pananamit, kilos, lengguwahe, at espasyo. Batay sa espasyo, maaring pribado ang kilos o hayag ang di-tradisyunal nilang pagkatao kung ligtas ito gaya ng bar at silid-tulugan. Pananda naman ng lokal na estetika ang paggamit ng mga terminong lokal na “t-bird” at “tibo” at ang kanluraning “lesbian.” Nabatid na ang kanilang dating ay bunga ng impluwensiya ng lipunan at kalimitang may tensyon sa dualidad: para sa sarili (panloob) at para sa lipunan (panlabas). Natuklasang umunlad ang lesbiyanang representasyon sa midya at ang kontekstong panlipunan ng kanilang dating. Palasak ang diskriminasyon, impluwensiyang panrelihiyon, at mga istiryotipo sa 1980s, may kaunti nang pagtanggap ngunit kalimitang ginagawang katatawanan at patuloy ang pagsunod sa pandalawang-kasariang pamantayan sa 2000s, mas bukas ang representasyon subalit may mga limitasyon pa rin sa 2010s, at higit na komportable ang representasyon at suporta maging may relihiyosong oposisyon sa 2020s. Ginuguhit ng pag-aaral ang daan tungo sa mas makabagong paglalarawan at pagpaparating ng mga lesbiyanang tauhan sa pelikula.

https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2025/paper_ghi/10