Document Types
Paper Presentation
School Code
N/A
School Name
De La Salle University Integrated School (Manila)
Research Advisor (Last Name, First Name, Middle Initial)
Gallegol, Roman Marcial D.
Abstract/Executive Summary
Sa modernong panahon, napapansin ang laki ng impluwensya ng bansang South Korea mula sa pagkain, pananamit, mga telenobela, at lalo na sa musika. Tinatawag na Korean pop o K-pop, ito ay isa sa mga pinaka prominenteng dyanra ng musika na kinahihiligan ng ilan sa mga Pilipino sa kasalukuyan. Dahil dito, ang paghanga nila sa mga Korean idol ay naipapakita nila sa iba’t ibang paraan – isa na dito ang penomenang pagbili ng K-pop merchandise. Sa pagsuri ng penomenang ito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pitong panayam sa mga estudyante mula sa kursong ABM ng De La Salle University. Dito, kinikilala na ang pagbili ng mga merchandise ay nagdudulot ng kasiyahan, koneksyon sa ibang tagahanga, buyer's regret, at iba pa upang dagdagan ang kanilang koleksyon, makinabang sa muling pagbebenta, at magpakita ng suporta sa mga idolo. Ito rin ay naging isang paraan upang suriin ang financial literacy at kasanayan sa pagbabadyet ng mga mag-aaral.
Keywords
K-pop; merchandise; pag-uugali sa pagbili; globalisasyon; penomolohiya
Start Date
13-6-2024 8:00 AM
End Date
13-6-2024 10:00 AM
Initial Consent for Publication
yes
Statement of Originality
yes
Ang Pagbili ng Merchandise ng mga Mag-aaral na Tagahanga ng K-pop: Isang Penomenolohiyang Pagsusuri