AI in Education
Document Type
Paper presentation
School Name
University of Santo Tomas-Senior High School
School Code
ARCH00042
Abstract / Executive Summary
Mahalagang kasanayan ang pananaliksik sa akademikong larangan, at isa sa pinakamahalagang bahagi nito ang Rebyu ng mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura. Mahalaga ito sa pagtukoy ng nauna ng mga pag-aaral na may kaugnayan sa paksa, gayundin sa paglinang ng bagong pananaw at pagtukoy ng makahulugang gap sa mga umiiral ng pananaliksik. Gayunpaman, nangangailangan ito ng masusing pagsusuri at mahabang oras upang maisakatuparan nang epektibo. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, pagtitiyak ng Artificial Intelligence (AI), naghahandog ito ng mahalagang tulong sa pagsasagawa ng RRL sa pamamagitan ng mas sistematikong pagkuha, pagsusuri, at pagsasama-sama ng mga sanggunian. Nilalayon ng learning plan na ito na turuan ang mga mag-aaral kung paanong matalino’t etikal na magagamit ang AI sa pagsulat ng RRL. Pagtitiyak, ninanais nitong ituro ang pag-unawa at pagsasagawa ng tamang hakbang sa pagsulat ng RRL; pagtukoy sa kahalagahan ng AI sa pagpapadali at pagpapahusay ng pagsusuri ng literatura; at integrasyon ng AI sa sistematikong paggawa ng RRL. Gagamitin ang FOCUS Framework ni Hanak (2024) bilang gabay sa pagsasanay sa AI-assisted na pagbuo ng RRL. Ituturo ang mga estratehiyang ito sa pamamagitan ng kolaborasyon, pagsasanay sa pagkuha ng datos, at aktwal na pagsulat ng RRL gamit ang AI tools. Ito ay nakatuon sa SDG 4 (Quality Education) at SDG 9 (Industry, Innovation, and Infrastructure), sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa akademikong pananaliksik gamit ang makabagong teknolohiya. Sa huli, inaasahang mas mapapalalim nito ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng mga sanggunian at pagpapalakas ng kritikal na pag-iisip.
Keywords:
rebyu ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura; artificial intelligence; FOCUS framework; SDG 4 (quality education); SDG 9 (industry, innovation, and infrastructure)
Paggamit ng AI sa Paglikha ng Rebyu ng mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura